Welcome Message

twitter

Follow on Tweets

Classroom

Posted in

Here’s my very first Blog stated in Tagalog.

Isang araw na naman ng pagpasok sa paaralan at magkikita na naman kaming muli. Sa pagbaba ko ng aming sasakyan ay binitbit ko agad ang aking mga gamit upang habulin ang klase. Sa kabutihang palad hindi ako nahuli. Papasok na naman ako sa isang malamig na silid, ngunit nawala lahat iyon nang makita ko siya na bitbit ang maliit niyang bag. Ako’y naupo sa aking upuan at inayos ang mga gamit. Ang huling dalawang upuan sa may pader ang nagsisilbing lugar para makita ko siya ng lubusan dahil na rin sa doon talaga kami nakaupo. Matapos ang isang aralin ay sandali kaming nagpahinga upang makapaghanda sa susunod na klase. Sandali ko siyang tingnan, ngunit sa pagtingin ko na iyon ay parang ang isang segundo ay katumbas ng walang hanggang paghanga. Ang kanyang mahabang buhok, singkit na mga mata, katamtamang katawan na nakasandal sa upuan na waring isang dalagang naka-dungaw sa bintana. Alam kong hindi ko dapat paniwalaan ang aking nakikita dahil sa malinaw sa aking isipan na may iba siyang minamahal. Hindi pa ngayon ang tamang oras. Ang kanyang magandang tinig ang nagpapawi sa bawat hirap na aking napagdaanan. Ayan na ang binatang naghayag na ng kanyang damdamin sa dalagang katabi ko ngayon. Lumipat ako sa kabilang upuan upang bigyan sila ng pagkakataong makapag-usap. Wala pa rin ang guro. Nilabas ko muna ang aking paboritong libro na madalas kong basahin sa bahay upang malibang naman. Natutulog siya, pinansin kong mabuti ang kanyang mga mata. Hindi ko akalain na makakapagpabago iyon sa aking nararamdaman. Nagbasa kong muli at hindi ko matiis na titigan siya sa pangalawang pagkakataon. Tumingin akong muli, at doon nagsimula ang pagsisising sana hindi ko na lang nakita. Magkahawak ang kanilang mga kamay na para bang kampante sa nararamdaman sa isa’t isa.

To be continued.

Comments (1)

sino yun? /hmm