<10.29>Pa’no nga ba kung siya ang tunay na nagpapaligaya sa kanya? Pa’no kung ang lahat ng pagkukulang ko ay kanyang napupunan? Pa’no kung matutunan niyang mahalin ang lalaking pinagkatiwalaan ko nang lubusan noon? Ayoko namang mag-iba ang tingin niya sa akin. Pero may mga bagay lang talaga akong hindi maintindihan. Ayoko namang palabasin na masyado akong possesive, mga ganung tipo. Sa mga unang buwan, parang walang hanggang ang pag-ibig namin, pero ngayon, sa hindi malamang dahilan, parang may mali. May usok na humharang sa isip ko, nagpapalabo sa bawat naiisip ko. Hindi ko alam kung bakit, pero parang maniniwala na ako sa katagang “History repeats itself. “ Bakit? Mahabang kwento, pero para sa’yo isasalaysay ko ang mga bagay-bagay na dapat mong malaman para maintindihan mo ang kwentong ito. Siguro may limang taon na rin ang nakalipas, bago lang din siya sa paaralang iyon. Maganda siya, napansin agad ng kanyang mga kaklase. Sa kanya ko nakita ang mga bagay-bagay na gusto ko sa isang babae. May tatlong taon din akong nagparamdam sa kanya ng mga nararamdaman ko. Pag-ibig, kasawian, kaligayahan, basta, parang ganun. Parang Big Brother™ nga ang kwento ko eh. May Day 1, hanggang Day 100. Pero sa akin, Year 1 hanggang Year 5. Sa pagbabalik sa aking kwento, Year 4 na. May bagong mga kaklase ulit. Natural, 1st year high school ako, maraming bago. Tama nga ang sinasabi nila, maraming namamatay sa maling akala. Ako, siguro, sa Year 4 na iyon, mga dalawang beses akong namatay. Heto yung kwento, ilalahad ko na. May bagong kaklase, naging malapit ako sa kanya, dahil na rin sa mga bagay na pagkakapareho namin. Minsan ko na rin siyang tinanong kung may gusto ba siya sa babaeng gusto ko. Sabi niya wala. (Siya nga pala, para sa mas detalyadong kwento, puntahan ang http://nocturnalsighting.blogspot.com para sa web journal ko.) Tapos dumating ang Year 5, nalaman ko na lang pinorpormahan na pala siya. Hanggang sa dumating ang panahong nagtapat siya, at siyempre, sa’n pa ba hahantong ‘yon? Eh di naging sila. Tinanggap ko lahat ng kasinungalingan at katotohanang tumama sa akin. Dalawa ‘yon, kaya nasabi kong dalawang beses akong namatay sa taong iyon. Pero sabi ko, ayos lang ‘yon, alam kong may dahilan ang Diyos kung bakit niya ginawa ‘yon. At ‘yun nga, nag-aral na lang ako, para naman ‘di magalit sa akin ang mga magulang ko. Pero ewan ko ba, wala naman akong balat sa pwet, pero bumagsak ako sa huling bahagi ng eskswela. At siyempre, sa’n pa ba ako mapapatapon? Eh di, summer classes. Sabi ko, “Lord! Salamat na rin at nag-summer classes ako. Kung hindi, pag-iisipan naman ako ng mga magulang ko ng mga summer activites na hindi na naman bagay sa akin.” Ayos na rin, pero, may mas magandang dahilan pa pala, kung bakit ako bumalik sa apat na kantong silid-aralan sa kasgsagan ng init ng bakasyon. Sa pagpasok ko sa SEC, (SEC ang tawag nila sa summer classes sa amin.) ‘Kala ako lang ang minalas, marami pa palang iba. May mga sumabit din. Mas malala pa pala. Algebra I ang binagsak ko no’n eh. Nakakahiya no? Pero ayos na rin, kaysa naman sa iba na tatlong subjects ang binagsak. May Philippine History I, at General Science I, ganun din ang mga sumabit sa Algebra I. Pinapunta na kami sa aming mga assigned classrooms. Hati-hati kasi no’n eh, hiwa-hiwalay ang room ng 1st year, 2nd year, 3rd year at ewan ko ba, pati naman ‘yung graduating class ay kasali rin sa summer classes. Sa pagpapatuloy, pumasok kami sa aming classroom, at nagantay ng teacher, nagbabaka-sakaling mabait ‘yung magiging teacher at madaling makapasa. Sa pag-aantay, dumating pa ang ilang mga mag-aaral para sa SEC na kilala ko.
Maya-maya may isa pang dumating, bago lang siya ngayon, pero naging ka-batch ko siya noong grade 5, kaya nakilala ko agad siya. Antay pa ulit, ‘kala ko estudyante ulit eh, teacher na pala. Mas malaki pa kasi ‘yung fourth year student na kausap niya kanina. Siya pala ang magiging teacher namin ngayon. Ayos, sabi niya kasi, OK lang palang ibagsak ang Gen. Sci. kasi hindi naman pala kasama sa final grade. Eh di, parang first day ulit, mag-papakilala ang bawat isa. Tapos mga ilang minuto lang lumipas, dumating ang isang nilalang na nakapagpabago ng takbo ng buhay. Itatago natin siya sa pangalang “Serenity”. Sumagi sa isip ko, “Shocks! Ano ito?!? Angel? Sinusundo na ba ako?” Tapos, pumasok siya sa pintuan. Wala nang upuan, kaya naman, bilang paggalang sa mga bagong estudyante, S.O.P na rin para sa mga pioneer ng eskwelehan na iyon, loyalty award din ‘yon, binigyan ko siya ng upuan, utos na rin ni ma’am. Well anyways, ‘di ko inakala na sa pagkakataong iyon, magsisimula ang isa pang kwento na mala-telenovela walang kamatayan. Sabi ko, “Ano kayang magandang title nito?” Siyempre, sa isip ko lang ‘yon. Naging malapit kaming magkaibigan, nagkakalokohan, nagkakabunyagan ng sikreto. ‘Lam mo na, gawain ng mga mag-best friends. Hanggang sa dumating ang panahong unti-unti ko nang nalalaman, ang tunay niyang nadarama. Mga apat na buwan pagkatapos naming magkita, umamin siya… … …mahal niya ako! Sabi ko, “Diyos ko! Ano ba ‘to! Ang swerte ko naman, pero bakit ang aga yata? ‘Di pa ako handa!” Habang nag-da-drama sa harap ng barkada ko, habang umiinom ng alak. Tapos tatlong buwan ang lumipas, nag-desisyon na ako. Magtatapat na rin ako sa kanya. February 14, 2005, Valentine’s, alas-diyes ng gabi, nag-text ako. Sabi ko, “Alam kong nagsabi ka na ng …” Blah, blah, blah. Tapos, “…Would you be my Valentine? ‘Cause I love you.” Tapos no’n, nag-reply siya. Bukas na niya daw sasagutin iyong tanong. Basta, sabi niya, mahal n’ya rin ako. February 15, 2005, 7:10 ng umaga, sa covered court ng aming mahal na paaralan. Sa aming pagkikita, sinabi niya ang salitang “Oo”. Tuwang-tuwa naman ako. Pero siyempre, hindi ako nagpahalata, para walang makapansin, para hindi kumalat. Pero, ‘lam mo naman, ang school, parang showbiz, alam na nila, bago mo pa ilabas ang issue. Siyempre masaya, lalo na ‘yung mga unang buwan ng aming pagsasama. Ayos nga eh, hindi ko malilimutan ‘yung kulitan namin sa bawat sulok ng ekwelehan. ‘Yung sabihan namin ng “I Love You”: bago umuwi. Tapos ‘yung paghatid ko sa kanila kapag wala siyang kasabay. Sa totoo nga, corny ‘yung mga regalo ko sa kanya, minsan wala pa nga. Nung una, stuffed toy na white bear. Tapos CD, tapos nung ika-walo naming monthsary, na ayon sa kanya, romantic daw. Heto ‘yung mga behind the scenes and the premiere ng mga plano. Siya nga pala, parehong araw ang monthsary namin at ang birthday niya. Pitong araw bago ‘yung birthday, may mga mini-surprises ako sa kanya. Una, ‘yung Partick Star, (Para do’n sa mga hindi nakakakilala kung sino si Partick, siya ‘yung starfish sa Spongebob Squarepants©). Pagkatapos, ‘yung button pin na Garfield©. Araw bago ng birthday niya, ito ‘yung araw na maituturing niya daw na romantic. Pumasok ako ng maaga, para maayos ko ‘yung morning surprise ko. Pagkababa ko ng gamit ko, umakyat ako sa 4th floor ng eskwela namin kung nasa’n ‘yung locker niya. At dahil alam ko ‘yung code ng lock niya binuksan ko. Nilagay ko ‘yung regalo ko na isang cute na pusa. Tippy nga ‘yung pangalan eh. Tapos baba ulit ako, mag-aantay ng morning assembly hanggang sa pag-akyat namin. Tulad ng lagi kong ginagawa ko, sinasamahan ko siya at tinutulungan sa pagbitbit ng gamit. Doon lang ako sa isang tabi habang binubuksan niya ang kanyang locker, at mag-aantay sa kanyang reaksyon niya. At ‘yun na, ang huling code ng locker niya…at…
Ayun na, tumambad sa kanya ang isang papel na may nakalagay na “Happy Birthday”. Tapos may nakalagay na “Tear here”. Pinunit niya, at lumabas ang bag ng…take note…Blue Magic™. ‘Lam ko namang cheap ‘yon e, pero hanggang do’n lang ang kaya kong bilin. Tapos meron pa isa at huling sorpresa sa kanya. Pero sa uwian ko pa ibibigay. Kaya nag-antay ako ng uwian, kumausap sa kanya na parang tapos na ang mga palabas ko. Pagdating ng uwian, inantay ko siya makalabas ng kanilang silid. Mula doon, sinabi ko sa kanya na may ipapakita ako sa kanya. Dinala ko siya sa rooftop ng eskwela, kung saan walang ibang tao. Habang nakatalikod siya at ako ay nasa likod niya, nagkwento ko. Pinaalala ko sa kanya ‘yung ikinuwento kong panaginip sa kanya. ‘Yung dalawang nag-iibigan sa harap ng sunset, tapos ‘yung lalake may ibinigay na isang kahon na kulay asul, pero hindi ko sinabi kung ano ‘yung blue box, kasi hindi ko talaga alam, kasi nagising na ako ng mga panahong iyon. Tapos nilabas ko ‘yung regalo ko sa kanya na naka-blue box. Sabi ko, “Heto ‘yung blue box na iyon.”, sabay binuksan ko ‘yung kahon, pinakita ko sa kanya ‘yung singsing na matagal ko nang pinag-planuhang bilin. Sinuot ko sa kanyang daliri ‘yung singsing, nanginginig pa nga ako eh. Tapos nu’n, naging masaya siya, hinalikan niya ako. Bumaba kami at masaya niya iyong kinuwento ‘yun sa mga kaibigan niya, pero hindi niya alam, alam na ng lahat, siya lang ang hindi. Masaya na ako ng mga panahong iyon. Masaya, masayang masaya. Pero n’ong mga nakaraang buwan, nag-iba ang takbo ng mga pangyayari. Sabi ko, parang may mali. Kailan lang ay naging close kami ng isang graduating na estudyante. Madalas kaming magkwentuhan tungkol sa pag-ibig. Madalas din ang pagpansin niya sa aming dalawa. Sabi niya sa akin, “Pare, kayo ba?” Sumagot ako, oo. “Pare, ang swerte mo. Buti ka pa, ako, wala pa din. ‘Di pa ako sinasagot eh.” Sabi niya sa akin habang nilagay niya ang kamay niya sa balikat ko. Tapos maya-maya pinansin niya ang isang ka-batchmate ko na kinakausap ang mahal ko. Sabi niya sa akin, “Pare, batchmate mo ba ‘yan?” sumagot ako, “Oo, kaibigan ko ‘yan. Matagal na.” Pero ang mga sumunod na mga kataga niya ay parang nakaapekto sa akin ng lubos. “Pare, napansin ko lang. Parang panay dikit niya sa girlfriend mo ah.” Tingin ako, sabi ko, “’De, natural lang ‘yan matagal na rin kasi silang magkaibigan. Magkaka-klase kami nung SEC.” Hanggang sa napunta sa inuman ang aming usapan. Pagkatapos nu’n, trabaho muna, may practice para sa school play eh. Kinabukasan, ganun ulit ‘yung mga sinabi niya sa akin. “Pare, sigurado ka ba? Puro sila ‘yung makikita kong magkakasama ah.” Kwento niya sa akin. “’De, pare, talagang gano’n, magkatrabaho eh.” Hanggang sa balik trabaho. Uwian, galing sa nakakapagod na practice. Sinabayan ko ang mahal ko palabas ng eskwela. Kasabay pa niya ‘yung kapatid niya. Ewan ko ba, pero napalapit yata sa akin ‘yung kapatid niya. Habang naglalakad, sabi niya sa akin, “Pare, hindi mo tutulungan?” siyempre, tatanga-tanga ako nu’n. Hinawakan ko ‘yung bag niya ng bahagya at sinabi ko, “Tulungan na kita.” Pero binawi niya ang kanyang mga kamay, at sinabing “’Wag na!”, pero hindi niya sinabi iyon ng pagalit. Hindi na ako umalma, dahil ayokong pagmulan iyon ng hindi pagkakaintindihan. Hanggang sa nakasakay na sila ng tricycle pauwi. Sumagi ngayon sa isip ko, parang may mali. Hanggang sa sinabi sa akin, “Pare, parang may mali dito. Pero OK lang yan, maayos din iyan.” Sa isip ko, sana nga. At dito na nagsisimula ang tunay na kwento ng kasawian, problema, at mga bagay na hindi maipaliwanag ng siyensiya. Natural, hindi ito kababalaghan. Pero, kaya ba nilang ipaliwanag ang tunay kong nadarama? Kaya ba nilang utusan ang human psyche ng isang indibidwal? Malapit man o hindi? Sa’n na ba ang narating ng tao sa larangan ng siyensiya?
Kailan lang, parang may kakaibang takbo ng mga pangyayari. May mga bagay na nakasanayan ko na ang nawala. Natatandaan n’yo ba ‘yung, “…Ayos nga eh, hindi ko malilimutan ‘yung kulitan namin sa bawat sulok ng ekwelehan. ‘Yung sabihan namin ng “I Love You” bago umuwi. Tapos ‘yung paghatid ko sa kanila kapag wala siyang kasabay...” Nawala lahat ‘yun. Ewan ko ba kung bakit. Basta nawala ‘yung mga na ‘yon. Pagkatapos no’n may mga araw na parang gusto ko ng mag-imbestiga. Obserbasyon lang. Day 1 hanggang Day 5, tignan lang natin. Eh ‘di ‘yun na. Tingin lang ako. Sabi nga sa akin, “Pare, basta ‘wag ka lang mag-iisip ng masama.”. Siya nga pala, hindi sunod-sunod ang mga araw ng observation, iba-ibang araw ito naganap. Palaktaw-laktaw ito ng araw at buwan. Game! Day 1, obserbasyon lang. Parang nung mga nakaraang araw lang ang kilos ko. Napasin ko, panay ang dikit nitong lalaki sa kanya. Sabi ko, OK lang, trabaho naman eh. Walang personalan. Day 2, nagtingin ulit ako. Ngayon, ‘yung mahal ko naman nagyon ‘yung mga kakaibang kilos. Sa araw na iyon, ilang beses niya binanggit ang pangalan ng lalaking ‘yon na tila hinahanap-hanap niya. Pero siyempre, walang bayolenteng reaksyon. Baka kasi may kailangan lang siya. Day 3, mas kinukulit niya ang lalaking iyon kaysa sa akin. Mas inaalala niya iyong lalake na ‘yon. At tulad ng nakaraan, walang akong reaksyon, dahil kaibigan siya, natural, nagaalala. Day 4, ito medyo may pagka-adult type. Sinabihan niya ang lalaking iyon ng mahal ko ng …. Oops! Warning: Explicit Words. Sa pagpapatuloy, . Sinabihan niya ang lalaking iyon ng mahal ko ng “Ang libog mo!” sabay tali sa leeg ng lalaking ‘yon na parang nangaakit. Medyo, medyo, kontrol lang ng sarili. Napakalma ko din sarili ko. Pero, siguro joke lang ‘yun, hindi naman siguro seryoso ang mahal ko do’n. Next, Day 5. Nakwento ko ito sa isa pang 4th year student kaibigan ko. Habang naglalakad sa corridors ng school kasama ang lalaking iyon, kasama ang mahal ko, papunta sa kanyang locker. Nasa likod lang ako, nandu’n silang dalawa sa harap ko. Para mas makapag-observe ako ng maayos. And Eureka! I saw something. Hinawakan ng mahal ko ang kamay niya na sa tingin ko’y mas caressing (verb. To touch lovingly) kaysa sa paghawak niya sa kamay ko. Sa isip ko, “What in the world is this?!?”. Pero, iwas reaksyon. Sa kasulukuyan, nandito ako sa kwarto ko, nagkukulong, habang sinusulat ang mga salitang ito. Kanina lang ay hindi napigilang umiyak. Habang pinag-iisipan ang mga tanong ko. Pa’no nga ba kung siya ang tunay na nagpapaligaya sa kanya? Pa’no kung ang lahat ng pagkukulang ko ay kanyang napupunan? Pa’no kung matutunan niyang mahalin ang lalaking pinagkatiwalaan ko nang lubusan noon? Ayoko namang mag-iba ang tingin niya sa akin. Pero may mga bagay lang talaga akong hindi maintindihan. Naalala ko tuloy ‘yung kanta ng PnE na, “Gitara”. “…Bakit ba kailangang magbihis? Sayang din naman ang porma. Lagi lang naman may sisingit, sa tuwing tayo’y magkasama. Bakit pa kailangan ng rosas? Kung marami naman ang mag-aalay sa’yo?...” Parang ganun. Sa ngayon, sinusubukan kong maka-recover sa mga bagay na medyo masakit. Pinapatibay ang loob, at iniiwasang mamatay ulit. Pinag-isipan ko naman ‘yung mga bagay na sinasabi ko. Pero kailan lang, may bigla akong natutunan. Parang, bigla na lang siya tumama sa akin, at bigla akong natauhan. <10.31> Sabi ko, “Akala ko nung una, ako ‘yung niloloko. Pero, niloloko ko na pala sarili ko.” ‘Yan ‘yung nagpapaikot-ikot sa isip ko kagabi pa. Galing kasi ako sa birthday party ng kabilang section ng level namin. Sabi kasi, kailangan daw ako doon, kaya pumunta siya. Pupunta din daw ang mahal ko. Pero, bago siya pumunta, sinabi niya, na mahuhuli siya ng dating. At sinabi niya na may kasama daw siya. Sa mga oras, napa-isip lang ako. Sino kaya?
Pagdating niya, siyempre masaya ako. Tapos, maya-maya, pinakilala niya ‘yung “Chaperon” niya daw. Nagulat ako, “kuya” niya pala, na matagal ko nang kilala. Sabi ko sa kanya, “’Tol, pinakaba mo ‘ko, ‘kala ko kung sino ang kasama.” Sabay pagsiguro niya sa akin, na siya ang bahala sa kanya. Naniwala ako dahil todo ang tiwala ko sa kanya. Tapos, parang katulad ng ordinaryong araw, pero mas pinapansin niya ako ngayon, mas kinukulit niya. Sumagi na naman sa isip ko, ‘di kaya dahil sa wala dito ‘yung lalaki na iyon? Pero, ‘di ko masyado pinansin iyon, dahil alam kong makasasama lang sa akin ang mag-isip ng mga ganoong bagay.